Blind Item: Fiery Francine???

    BLIND ITEM by Abu Tilamzik, Published on Abante-Tonite, April 02, 2007.

    Nagkaroon ng taping sa isang resort itong comedy show (Bubble Gang?) ng isang malaking TV network (GMA Network) at doon nakumpirma kung gaano kamaldita itong sexy actress (Francine Prieto???)
    Dati ay kilala naming mabait at marunong makisama itong si sexy actress. Ngayon ay nagtataka ang karamihang kasamahan nito sa trabaho kung bakit ang laki ng ipinagbago nito.

    Sa taping nito sa resort na iyun ay walang patumanggang reklamo at angal itong si sexy actress.

    Wala siyang pakialam kahit naririnig siya ng may-ari ng resort (a resort in Boracay>>>>>) na nagmagandang-loob na mag-sponsor sa kanilang accommodation at pagkain.

    Pagkatapos ng take ay diretso si sexy actress sa kanyang kuwarto. Ang drama niya, dapat pag-akyat niya ng kuwarto ay malamig na ito.

    Pinagdidiskitahan niya ang mga roomboy kapag hindi pa naka-on ang aircon pag-akyat niya.

    Ubod ng selan si sexy actress na lahat na inuupuan niya ay kailangang may takip na papel o tissue.

    Pati pagkain ay nilait niya, na ikina-offend ng may-ari nang marinig ang pang-aalipusta ni sexy actress.

    Panay ang ngiwi ng mukha ni sexy actress kapag may fans na lumalapit na gustong magpalitrato o magpa-autograph.

    Sa irita ng may-ari ng resort, sa harap mismo nitong sexy actress ay binigyan niya ang mga kasamahang artista ng gift certificates, at tanging si sexy actress ang hindi inabutan.

    Hiyang-hiya ang Executive Producer ng gag show (Bubble Gang nga talaga to) sa kanilang sponsors dahil itong si sexy actress lang ang inirereklamo.

    Matagal nang ganun ang ugaling ipinapakita nitong sexy actress kaya gusto na itong kausapin ng kanilang EP.

    Baka dumating ang araw na maapektuhan ang kanilang trabaho dahil sa kamalditahan nitong sexy actress.

    Ang ganda pa naman niya, ang kinis ng balat, maputi na mala-beauty queen ang ganda (she joined Bb. Pilipinas before), pero kabaligtaran ito ng ugaling ipinapakita niya.

    Related articles:
    Another Hot Issue for Belo
    Ain't That Lucky
    Samut Saring Blind Items








    Source URL: https://mykiru1.blogspot.com/2007/04/blind-item-fiery-francine.html
    Visit nEw MyKiRu IsYuSeRo for Daily Updated Hairstyles Collection

Popular Posts

My Blog List

Blog Archive