Samut Saring Blind Items 4

    BLIND item by Ogie Diaz, People's Journal, April 16, 2007


    May kapitbahay ang isang young actress, nagtataka. Gabi-gabi na lamang daw ay nakikita niya ang sasakyan ng leading man nito sa isang teleserye.

    Ang nakapagtataka pa, kung hindi man madaling-araw, inuumaga ng alis ang leading man sa bahay ng young actress.

    “Akala ko ba magkaibigan lang sila? Ba’t napapadalas yata ang dalaw ni Leading Man kay Leading Lady?”

    Aba, ’yan ang hindi namin alam, ’no! Ito ay itineks lang ng isang kaibigan. Mas maniniwala kami sa tsikang ito kung sila mismong sangkot ang magpapatotoo nito, ha?

    O, siya, narito na ang clue. As usual, limang letra uli ang aming ibibigay sa inyo, ha?

    ’Yung dalawa ay initials ni Leading Man at ’yung dalawa’y initials naman ni Leading Lady.

    ’Yung isang letra, panggulo lang, okay?

    O, eto na, ha? P-B-L-A-R ... game!
    -------------------------------------------------------------------
    MYKIRU: I won't directly tell my answer, but you can find my answer on this quoted lines from an article also published on People's Journal: "Angel, dinenay sina Marvin at Robin: Nagugulat daw siya sa mga naglalabasang nali-link sa kanya tulad nina Marvin Agustin at Robin Padilla dahil kaibigan lang niya ang mga ito."
    -------------------------------------------------------------------

    Blind Item by Joey Diego, Abante Online, April 16, 2007

    SEKSING-SEKSI ngayon ang sikat na aktres. Malaki talaga ang iginanda ng kanyang katawan dahil sa kung anu-anong iniinom niyang pagpapapayat, kasama pa ang maya’t mayang exercise niya.
    Anyway, magmula nga noong pumayat ang aktres, naging glamorosa na ang dating niya at hangang-hanga sa kanya ang mga kapwa aktres na nahihirapag magpapayat na tulad niya. May nagtatanong kung anong klaseng diet program ang ginagawa ni aktres dahil bukod sa ganda ng hugis ng kanyang katawan, hindi pa tuyot ang dating niya, kaya kahanga-hanga nga talaga at nakakainggit.
    Well, ang hindi alam ng mga humahanga sa bagong katawan ng aktres, hindi ang diet at exercise ang dahilan kung bakit gumanda ang kanyang katawan, kundi dumaan din siya sa pagpapahigop ng taba(liposuction).
    ‘Yun nga lang, hindi rito sa Pilipinas ginawa ang pagpapahigop niya ng taba, kundi sa ibang bansa. At hindi lang daw isang beses nagpahigop ng bata si aktres, kundi maraming beses.
    Ang kuwento pa, ang sponsor niya ang tumulong sa kanya para gumanda ang kanyang katawan.
    Ayon pa rin sa source namin, nag-try din si aktres na dumaan sa regular diet program, pero hindi kinaya ng kanyang katawan ang pagod. Marami kasing trabaho si aktres kaya wala talaga siyang time mag-exercise.
    Nung madiskubre niyang mas epektibo ang pagpapa-lipo sa ibang bansa, hindi siya nagdalawang isip, kahit may kamahalan ang gastos.
    Teka lang, paniwalang–paniwala ang publiko na ang mga iniinom niyang diet pills ang dahilan kung bakit seksi siya ngayon. Eh, kasinungalingan pala `yon, dahil isa rin siyang lipo beauty.

    ----------------------------------------------------------------------
    MYKIRU: my guess is Judy Ann Santos?

    Source URL: https://mykiru1.blogspot.com/2007/04/samut-saring-blind-items-4.html
    Visit nEw MyKiRu IsYuSeRo for Daily Updated Hairstyles Collection

Popular Posts

My Blog List

Blog Archive