Blind Item: Kabaklaan

    Aktres, muntik nang pumatol sa pamhitang modelo
    Blind Item by Allan Diones, published on Abante-Tonite, March 26, 2007


    --------------------------------------------------------------------------------

    Muntik-muntikan nang maging nobyo ng isang kilalang aktres (Ara Mina) ang isang pamhintang modelo (Uma Khouny?) na produkto ng isang reality show sa telebisyon (Pinoy Big Brother Season 1??).

    Bago sumali sa nasabing reality show ang pamhintang modelo ay nanligaw ito sa aktres at nagkahulugan sila ng loob.

    Malakas ang loob ng pamhintang modelo dahil nagawa nitong aminin sa aktres na bading siya at nagkaroon na siya ng mga homosekswal na relasyon.

    Bumilib si aktres sa katapatan ni pamhintang modelo kaya kahit bading ito ay payag siyang maging nobyo ito.

    Bukod doon ay mabait daw ito at malambing kaya hindi mahirap mahalin.

    Para kay aktres, isang malaking challenge sa kanya kung magagawa niyang isang tunay na lalake si pamhintang modelo at mawawala ang kabaklaan nito kapag naging magsyota sila.

    Naudlot ang papaganda na nilang relasyon nang sumali sa reality show si pamhintang modelo.

    Sa sobrang palagay ng loob ni pamhintang modelo kay aktres, buong ningning nitong inamin na naging karelasyon niya ang isang young actor-TV host (Paolo Ballesteros???) na matagal nang pinagdududahan ang kasarian.

    Matagal silang naging magsyota nito bago niya nakilala si aktres.

    Kahit hindi natuloy maging magsyota ang aktres at ang pamhintang modelo ay napanatili nila ang kanilang pagkakaibigan.

    Inamin ni pamhintang modelo kay aktres na nagkabalikan sila ng young actor-TV host pagkatapos niyang sumali sa reality show, kaya lang ay muling nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

    Ngayon, sa tuwing napapanood ni aktres ang nasabing young actor-TV host ay naaalala niya ang pamhintang modelo na naging syota nito at hindi niya rin nalilimutan na once upon a time ay muntik na niyang naging boypren ang pamhintang modelo.

    Related Articles:
    Blind Item: Diet & Tin Again?
    Blind Item: Judy Ann, Wooed By A Politician?
    Blind Item: Piolo and Sam Again?
    Source URL: https://mykiru1.blogspot.com/2007/03/blind-item-kabaklaan.html
    Visit nEw MyKiRu IsYuSeRo for Daily Updated Hairstyles Collection

Popular Posts

My Blog List

Blog Archive