Blind Item Alert: Gladys Guevarra

    Blind item from Billy Balbastro's Article in Abante-Tonite

    Hindi mahalaga ang identities dito. Nakatatawa lang ang pangyayari.

    Babalik daw sa noontime show (Eat Bulaga) ang komedyana na umalis noon dahil for health reasons (obviously it's Gladys Guevarra).

    Paulit-ulit na sinabi iyon ng komedyana kahit sinasabi noon na "close" siya sa singer at host (Janno Gibbs) ng noontime show na hiwalay sa misis (Bing Loyzaga).

    Sa isang presscon ng komedyana, tinanong siya ng isang kontrobersyal movie editor (Isah Red of Manila Standard), pagkatapos marinig nito ang arte ng komedyana tungkol sa "sakit" niya.

    Heto ang tanong: "Hindi ka ba nakahalata na tila maraming buwan nang paulit-ulit ka ng health reasons mo pero walang naniniwala sa iyo?"

    Nagkaroon ng eksena: Yumuko ang komedyana at kunwari umiyak.

    Kaya nang nagsalita ang VP ng network (Wilma Galvante) tungkol sa "health" reasons na ito, biglang sumigaw ang editor na hindi siya interesado sa sagot nito.

    May lady editor din na humingi ng mike para ipagpatuloy ang Q-and-A, ayaw siyang bigyan ng mike. Itinago ito.

    Nang nag-walk out ang dalawa, saka na lang itinuloy ng komedyana ang elaboration of her "health reasons."

    Ngayong bumalik na ang komedyana sa noontime show, wala na ba sa isip niya na sabihin ang tunay na dahilan ng temporary pag-quit niya?

    ‘Di bale, kahit magsalita siya o magpainterbyu pa, may maniniwala kaya?

    Zero yata ang credibility quotient niya kaya who cares?Source URL: https://mykiru1.blogspot.com/2007/03/blind-item-alert-gladys-guevarra.html
    Visit nEw MyKiRu IsYuSeRo for Daily Updated Hairstyles Collection

Popular Posts

My Blog List

Blog Archive