There's no other way to repay you, but a simple THANK YOU for everything. You guys are my inspirations!
Source URL: https://mykiru1.blogspot.com/2007/06/
Visit nEw MyKiRu IsYuSeRo for Daily Updated Hairstyles Collection
All the Hottest Issues, Showbiz Scandals and Controversies...Plus Hot Celebs, Hunks and Beauties
May bago ng apelyido si Wendy Valdez ng Pinoy Big Brother. Ang tawag na sa kanya ngayon ay Wendy Labas mula sa kontrobersyal na eksena ng 12th Eviction Night kagabi. Dahil diyan, kahanay niya na sina Victor Basa, Ram Sagad at Roxanne Guinoo na ang apelyido ay tunog Tagalog at may ibang kahulugan. In fact, pwede silang magkapelikula na ang titulo ay Sus Guinoo: Basa, Sagad, Labas na pwedeng trilogy pa.
Hindi na kataka-taka kung ang tinaguriang "most hated", "widely bashed" at "harshly criticized" housemate na si Wendy Valdez ay makakapasok sa Big 4 ng Pinoy Big Brother Season 2.
Simula pa lamang ng nasabing programa, isa nang malaking katanungan kung bakit sya'y napasali pa rin sa 14 housemates ng Pinoy Big Brother (PBB) samantalang nakapasok na sya noon sa Top 36 scholars-wannabe ng Pinoy Dream Academy (PDA) noong 2006.
Matatandaang sabay ang auditions ng PDA at PBB na ginanap mula May hanggang July last year. Ang mga nag-audition ay pinapili kung saan sila mag-au-audition at sa audition pa lang, segregated na kung alin ang sa PDA at alin ang sa PBB.
Sa takbo ng auditions, kung sa initial screening pa lang ay hindi ka makapasok, pwede pang mag-audition sa isa pang categorya, yun ay kung pipila ka ulit. Sa mga pursigido, hindi ito naging mahirap at sinubukan nga nilang mag-audition sa PDA at sa PBB. Ngunit, kung ikaw ay pasado na sa tatlong screenings ng isang category, malayo ng makapag-audition ka sa isa pa. May mga cases lang na kapag ang isang auditionee para sa Pinoy Big Brother ay magaling kumanta, inililipat siya sa PBB ni Direk Lauren Dyogi na isa sa mga judge sa auditions.
In case of Wendy, nakapaka-obvious na sya'y nakapasa sa PDA at hindi sa PBB dahil she's one of the NCR dreamers na ipinrisinta sa TV noon. It means, she was able to pass all the auditions for PDA and not for PBB.
Ang kanyang pagkakasama sa isa sa mga housemates ng PBB Season 2 ay nangangahulugan lamang na sya'y personal na pinili para makasama sa listahan. Pagkatapos kasi ng PDA noong December, 2006, wala ng iba pang audition ang naganap para sa PBB na nagsimula nitong February, 2007. So, bakit nakasama pa rin si Wendy sa PBB? Kaya hindi mo rin masisi ang mga tao kung sila'y magduda sa mga pangyayari ngayon sa PBB dahil sa una pa lamang ay mayroon ng hinahanap na dahilan.
Sa lahat ng mga naging housemates ngayon, siya lamang ang bukod tanging may malaking exposure at masasabing nakahihigit na sa iba. In fact, isa rin siya sa bumubuo ng Dream Girls na binuo ng Dream Big Productions mula sa mga naging scholars ng Pinoy Dream Academy.
Mukhang napakaswerte naman talaga nitong si Wendy Valdez at masasabi na yatang "success story" ang kanyang buhay. Kahit naging first runner up lamang siya noon sa Bb. Pilipinas, naging commercial model, nabigo sa Pinoy Dream Academy pero nakasama sa Dream Girls, naging housemate, natanggal at nakabalik, at heto, isa na siya ngayon sa nalalabing apat na housemates. Ayon sa ilan, posible pa raw na siya'y maging Big Winner dahil sa mga pambabatikos sa kanya, nakuha niya raw ang sympatiya ng mga tao. Sino kaya ang mga taong ito? si Bruce? ang pamilya ni Wendy? kaibigan niya? mga taga - FEU kaya?
Hanggang ngayon, pinag-iisipan ko pa rin kung sino ang mga taga-suporta ni Wendy. Nakuha niya kaya ang Class D at E? mga TFC Subscribers kaya?
Sadyang malakas nga talaga ang kamandag ni Wendy. Maaaring tahimik lamang ang mga sumusuporta kay Wendy at walang lakas ng loob na ipangalandakang sila'y masugid na tagahanga. In fairness to Wendy, siya'y maganda, sexy at talented, subalit may dapat baguhin sa kanyang pag-uugali. Dahil kung iisipin, isa siya sa mga paborito noon na manalo sa Bb. Pilipinas at maging sa Pinoy Dream Academy.
Pero sabi nga ni Bruce, nagpapakatotoo lamang si Wendy at isa yun sa dahilan kung bakit minahal niya si Wendy.
Well well well. Andyan na yan. Sabi nga ni Wendy, hindi siya naghahabol sa mapapanalunan sa PBB nang minsa'y makabanggaan niya si Gee-Ann at Bea. Sana hindi siya masayang nakasama siya sa Big 4. Base sa nakikita ko ngayon sa live feed ng PBB, mukhang gusto niya naman ang takbo ng mga pangyayari ngayon.
Sa darating na Big Night sa Araneta Coliseum sa Sabado, magustuhan niya kaya ang mga mangyayari? Marinig niya kaya ang kontrobersyal na "Wendy, Labas!?" O mayroon pang hindi inaasahang pangyayari?