From My Inbox 001: A very sad story

    La Sallista daw?

    Nag- aaral ako sa La Salle. Ang dami kong kaklaseng Intsik.
    > Apelyidong Uy, Lim, Tan, Co, Go, Chua, Chi, Sy, Wy, at kung anu-ano
    > pa. Pero sa kanilang lahat kay Gilbert Go ako naging malapit.
    > Mayaman si Gilbert kaya mangyari pa, madalas siya ang taya sa
    > tuwing gigimik ang barkada.

    > Isang araw, na-ospital ang kanyang ama. Sinamahan ko siya sa
    > pagdalaw. Nasa ICU na noon ang kanyang ama dahil sa
    > stroke. Naroon din ang ilan sa kanyang malalapit na
    > kamag-anak. Nag-usap sila. Intsik ang kanilang usapan.... hindi ko
    > maintindihan. Pagkatapos ng ilang minutong usap-usap, nagkayayaan
    > nang umuwi. Maiwan daw muna ako at pakibantayan ang kanyang ama
    > habang inihahatid nya ang kanyang mga kamag-anak palabas ng
    > ospital. Lumipat ako sa gawing kaliwa ng kama ng kanyang ama para
    > ilapag ang mga iniwan nilang mga gamit na kakailanganin ng
    > magbabantay sa ospital. Nang akmang ilalapag ko na ay biglang
    > nangisay ang matanda. Hinahabol nya ang kanyang hininga... Kinuyom
    > nya ang kanyang palad at paulit-ulit siyang nagsalita ng wikang
    > intsik na hindi ko maintindihan.
    >
    > "Di mang ta guae yong khee!".. "Di mang ta guae yong
    > khee!"... "Di mang ta guae yong khee ee!!!".. paulit-ulit nya itong
    > binigkas bago siya malagutan ng hininga.
    >
    > Pagbalik ni Gilbert ay patay na ang kanyang ama. Ikinagulat
    > nya ang pangyayari ngunit marahil ay tanggap na rin nya na papanaw
    > na ang kanyang ama. Walang tinig na namutawi sa kanyang
    > bibig. Ngunit iyon na yata ang pinakamasidhing pagluha na
    > nasaksihan ko. Nagpa-alam muna ako, dahil siguradong magdadatingin
    > uli ang kanyang mga kamag-anak. Sumakay ako ng taksi pauwi. Habang
    > nasa taksi.. tinawagan ko ang iba pa naming kabarkada. Una kong
    > tinawagan si Noel Chua. Dahil marunong si Noel mag-intsik,
    > tinanong ko muna kung ano ang ibig sabihin ng "Di ta mang guae yong
    khee".
    >
    > Ang ibig sabihin niyan eh ..."Huwag mong apakan ang linya ng
    > Oxygen !". "Bakit, kanino mo ba narinig 'yan?".
    >
    >
    >
    > .....Oooopppsssss ... patay ........



    Source URL: https://mykiru1.blogspot.com/2007/06/from-my-inbox-001-very-sad-story.html
    Visit nEw MyKiRu IsYuSeRo for Daily Updated Hairstyles Collection

Popular Posts

My Blog List

Blog Archive