Sakal, Sakali, Saklolo's racist remark against Bisaya

    I have just watched Sakal, Sakali, Saklolo today and yes, mayroon ngang eksena na kung saan against sina Angie (Judy Ann Santos), Jed (Ryan Agoncillo) at ang kanilang family na magsalita ng Bisaya ang kanilang anak na si Rafa (Timothy Lambert Chan).

    "Bakit pinapalaki ninyong Bisaya ang apo ko?" ang tanong ng lola (Gloria Diaz)

    At sumagot naman si Angie, “Speak to the kid in Tagalog. Parang Pinoy."

    Nag-react agad ang isang senador (Aquilino 'Nene' Pimentel Jr) sa nasabing anti-Bisaya remark ng Sakal, Sakali, Saklolo. Ayon pa sa kanya, nakakainsulto raw ito sa mga Bisaya at dapat daw ituwid ng Star Cinema.

    Para sa mga kababayan nating Bisaya, 'wag po kayong magpadala o ma-offend sa nasabing eksena sapagkat hindi naman 'yun ang nais ipakahulugan ng pelikula.

    Sina Angie at Jed ay tubong Tagalog at hindi Bisaya, kaya mas nanaisin nilang unang matutunan ng kanilang anak ang salitang Tagalog.

    Dahil nga sa mas madalas kausap at kasama ni Rafa ang kaniyang Bisayang yaya, mas natutunan nyang magsalita ng Bisaya.

    Sa pagkakataong iyon, ang nais ipaabot na mensahe ay ang dapat pagkakaroon ng sapat na panahon ng mga magulang para sa kanilang anak. Sila mismo ang dapat nakakausap at nakakasama nang madalas sa araw-araw.

    For sure, hindi nais maliitin ng pelikula ang salitang Bisaya dahil ang hangad lamang nito ay ang "mas pagkakaunawaan" ng magulang at ng kanilang anak.

    Ayon pa nga kay Angie, mas gusto nyang mag-Tagalog ang kaniyang anak dahil matutunan naman daw sa school ang salitang English. Which is true naman, even for other languages as we move places here and there.

    Ang ibang mga Bisaya naman ay nagpauna nang hindi big deal ang naturang 'racist remark' sapagkat it makes them even more proud of themselves. Sabi pa nga ng ilan, at least daw ang mga taga Bisaya, marunong magsalita ng tatlong languages, Bisaya, Tagalog at English kaysa sa mga Tagalog natives. O di ba?

    Ang dapat pa nga sigurong pagtuunan doon ay kung pa'no pinagmukhang "jologs" ang mga Pinoy sa paningin ng mga taga-Spain at kung pa'no ginawang katatawanan ang hitsura ni Bronson sa pelikula.

    Pero part na talaga yan ng pelikulang Pinoy, especially comedy films, kaya we all have nothing to worry about.
    Source URL: https://mykiru1.blogspot.com/2007/12/sakal-sakali-saklolo-racist-remark.html
    Visit nEw MyKiRu IsYuSeRo for Daily Updated Hairstyles Collection

Popular Posts

My Blog List

Blog Archive