Unang bagsak pa lang daw ni Ricky Hatton sa Round 1 ng laban nila ni Manny Pacquiao kahapon ay kumakanta na ang mga Pinoy sa loob ng MGM Grand Garden Arena ng linyang "Ricky Hatton falling down, falling down, falling down" na ang tono ay mula sa sikat na nursery song na London Bridge is Falling Down.
Ang kantang iyon ay mula pa naman sa England, kung saan nagmula si Ricky Hatton.
Hindi inaasahan ng mga Briton na mapapabilis ang bagsak ng kanilang idol. Pakanta-kanta pa raw ito ng "There's only one Ricky Hatton" pero para mapahiya lang sa bandang huli.
Kung titingnan mo nga sa picture sa itaas, kahit si Manny at ang referee ay nagulat sa pagbagsak ni Ricky Hatton. Kulang na lang ay lapitan ni Manny si Ricky at bigyan ng "Alaxan Ep Ar".
Na-knockout nga ni Manny si Ricky sa laban na 'yon at sa pagkadismaya ng coach ni Ricky na si Floyd Mayweather Sr. ay pinagri-retiro na nito si Ricky. Early Retirement daw ang nababagay para kay Ricky.
Sa pagkapanalo nga ni Manny, ano naman ang napala nating mga Pinoy? Ilang beses nang nanalo si Manny pero sino ba ang nakikinabang? Si Manny lang naman right? Dahil para sa kanya talaga ang laban na 'yon. It was a big honor nga sa 'tin pero I think it would be better if Manny will share his blessings to all the Filipinos.
Ano kaya mamudmod siya ng tig-1,000 pesos sa bawat pamilyang Pinoy sa buong bansa at hindi lang sa mga kababayan niya sa GenSan pati na rin sa Saranggani Province kung saan plano na naman niyang tumakbo bilang congressman sa darating na 2010 Elections. Manalo na kaya siya this time o ma-knockout na naman siya gaya nung 2007 Elections?
Kung ako kay Manny, tigilan na niya ang plano niyang ito. Magtayo na lang siya ng isang Foundation na tutulong sa lahat ng Pinoy at hindi sa kung sino lang ang gusto niyang tulungan para sa kanyang pansariling interes. Being in politics won't do any good to him.
Pero may magagawa pa ba tayo kung 'yon talaga ang isa pang dream niya. Ayon pa nga sa TIME Magazine, kung saan isa si Manny sa 100 Most Influentional People in the World for 2009, Manny Pacquiao could be the Philippines' next President.
***
Pero sa totoo lang talaga, pinahanga ni Manny ang lahat ng lahi sa buong mundo. One American writer has said that no one is better than Manny.
Kaya naman sabi ni Manny sa isang interview, "I can fight with anybody."
Isang British writer naman ang nagsabing "picture perfect" daw ang mga punches ni Manny Pacquiao.
***
Nag-sorry si Hatton sa mga nadismaya niyang fans. "I'm so desperately sorry for you all. I thought I'd win but it went wrong. I'm okay but so upset for the supporters."
Kahit paano ay may pakiramdam na si Hatton na mana-knockout siya. Ayon sa balita, hindi nito hinayaang mapanood ng kanyang 8-year-old son named Campbell ang kanyang laban dahil ayaw nitong makita na mana-knockout siya.
***
Sana nga panindigan ni Manny ang nasabi niya na magreretiro na siya ngayong August 2009 at huwag na niyang kagatin ang hamon na kalabanin kung sino man ang manalo sa susunod na big event sa boxing, the fight between Floyd Mayweather Jr and Juan Manuel Marquez this July 18, 2009.
Photo courtesy of MSN Fox Sports
Source URL: https://mykiru1.blogspot.com/2009/05/ricky-hatton-falling-down-falling-down.htmlAng kantang iyon ay mula pa naman sa England, kung saan nagmula si Ricky Hatton.

Visit nEw MyKiRu IsYuSeRo for Daily Updated Hairstyles Collection