Two days before the 1st Probation Night, nagdesisyon na ang pamunuan ng Pinoy Dream Academy na patawan ng Forced Expulsion si Chivas Anton Malunda ng Negros Oriental dahil sa isyung pangkalusugan.
Inatake na naman kasi si Chivas ng kanyang sakit sa ikatlong pagkakataaon nung Huwebes ng umaga at sa kadahilanang ito, ay nagdesisyon ang Academy na patalsikin na si Chivas bago pa man lumala ang lahat.
Bagamat pabor ito sa mga fans ng mga probationary scholars na sina Laarni Losala at Iñaki Ting, marami rin ang nadismaya sa desisyong ito ng Academy.
Ayon pa sa mga texters, bakit kung kelan dalawang araw na lang bago mag-probation night ay saka sinuspende ang botohan samantalang pwede na itong isuspende noong Linggo pa lamang, kung kelan ay nagkaroon ng pangalawang atake si Chivas sa loob ng Academy.
Pilit ng nakararami, perahan na naman ba ito?
Sana raw ay itinuloy ang botohan kung sino ang dapat manatili kina Laarni at Iñaki dahil marami-rami na rin daw ang kanilang naiboto mula pa noong Linggo.
Since 2 weeks pa lang naman ang mga scholars sa loob ng Academy, naghanap na lang daw sana ng bagong ipapalit kay Chivas.
Nakakapanghinayang si Chivas. Maganda pa naman ang kanyang naging performance noong Gala Night at isa siya sa pinaka-popular na scholars ng Pinoy Dream Academy Season 2.
Ang kanyang maybahay na si Bunny ay naiwan sa loob ng Academy upang ipagpatuloy ang kanilang nasimulang laban.
***
Still on Pinoy Dream Academy, sa puntong ito ay masasabing sina Van Louelle Pojas at Hansen Nichols ang mahigpit na magkalaban pagdating sa paramihan ng fans.
Sayang si Ranjit 'Jet' Singh. Maganda ang kanyang pagsisimula sa Academy ngunit unti-unting lumalabas ang kanyang hind kaaya-ayang pag-uugali. May "kaunting" yabang ito at hindi gentleman pagdating sa kanyang mga pananalita, especially kay Laarni. Hindi ko makalimutan 'yung sinabi niyang baka masampal niya si Laarni nang dahil lamang sa tinapay.
Sa mga babae naman ay lamang sina Cris Pastor at Apple Abarquez, ngunit dahil sa pagiging close ni Apple kay Bea Muñoz at sa kanilang pagba-backstab kay Laarni ay mukhang maapektuhan ito.
Negative kasi ngayon ang pangalan ni Bea dahil sa pagiging antipatika nito at masyadong mapapel sa loob ng Academy.
Kung may natutuwa kay Bugoy, meron din namang hindi natutuwa sa kanya at isa na ako roon. Bagamat kababayan ko siya from Camarines Sur, hindi ko nagustuhan nang itanggi niyang hindi siya bading samantalang numero uno siyang naghahasik ng kabaklaan sa loob ng Academy.
Mukhang may gusto nga siya kay Hansen at big deal sa kanya kapag hindi siya pinapansin nito.
Ayaw na ayaw ko rin ang paggamit ni Bugoy ng kanyang pinanggalingan niya bilang anak ng magsasaka sa kanyang pakikibaka sa Academy. Kagaya ni Rosita Bareng ng PDA Season 1, ginagamit niya rin ang kanyang mga kakulangan upang mapansin at makakuha ng simpatiya mula sa manonood.
Maliban kay Bugoy, ayaw ko rin sa mga scholars na sina Iñaki Ting dahil sa pagiging mayabang at si Christian Alvear dahil sa pagiging sensitibo pagdating sa kanyang height. Paano makakapamuhay nang normal si Christian kung patuloy siyang magpapaapekto sa kanyang kakulangan?
Sa pagkakaligtas naman ni Laarni from expulsion ngayong Sabado, may pagkakataon na siyang ipamukha na mas magaling siya kumpara sa iba. Makatulong kaya ang paglipat niya ng org, mula One Voice patungong Pupilars, sa kanyang mga susunod na performances?
Pakatutukan palagi ang Pinoy Dream Academy Season 2 gabi-gabi sa ABS-CBN.
Visit nEw MyKiRu IsYuSeRo for Daily Updated Hairstyles Collection