Ted Failon's wife dies; Ted still a suspect as investigation continues

    Trinidad 'Trina' Etong, wife of ABS-CBN Broadcaster Mario Teodoro Etong a.k.a. Ted Failon, already died last night, at 8:50 PM, after being wounded by a gunshot the other day.

    The investigation is still ongoing whether 44-year-old Trina committed suicide or she was killed.

    And as the probe continues, si Ted pati na ang kapatid ni Trina na si Pamela at ang mga kasambahay ng pamilya Etong ay itinuturing pa ring suspects hangga't hindi napapatunayang nag-suicide nga itong si Trina.

    For now, they are all charged with obstruction of justice.

    Nakakalungkot nga talaga ang pagkamatay ni Trina. Mas mabibigyang linaw sana tayo sa totoong pangyayari kung sakaling naisalba ang kanyang buhay.

    Though Ted's and Trina's families believe that Trina committed suicide, ang mga imbestigador ay patuloy pa rin sa pagkalap ng ebidensiya na magbibigay linaw sa nangyari.

    Nakaka-amaze nga naman itong mga kababayan nating pulis. Nagiging masigasig sila ngayon sa kanilang trabaho. Pansin tuloy ng ilan, baka raw ay namimersonal na sila sa kadahilanang si Ted ay isang broadcaster na taga-ABS-CBN at ito ay para makaganti sa pagkakadiin ng mga pulis sa EDSA Rub-out last February. (Ang ABS-CBN kasi ang eksklusibong nakakuha ng video ng nasabing insidente.)

    Dinaig pa nga ang mga teleserye natin sa pangyayaring ito sa buhay ni Ted. Bawat oras ay may mga bagong updates at napakabilis ng mga pangyayari. Mistulang mga eksena sa pelikula ang mga makikita mo sa mga video reports. Ang mga pulis ay nagmistulang bida sa isang action film at sina Ted ay nagmistulang kontrabida at kriminal sa paningin ng nakararami.

    Kung ordinaryong mamamayan lang kaya ang involved ay ganito rin ang magiging aksyon ng pulis?

    Depensa ng mga pulis, kahit sinong Juan dela Cruz daw ay ganito rin ang gagawin nila.

    Sana nga ganoon nga dahil parang nasobrahan naman ata sila ngayon.

    ***

    Sa isyung ito, mukhang nakalamang ang ABS-CBN sa GMA when it comes to reporting. Nakapanayam ng ABS-CBN ang anak at kapatid ni Trina, samantalang ang GMA naman ay busy sa paggawa ng mga investigative reports tungkol sa pangyayari.

    Kaninang umaga lang ay eksklusibong nagpa-interview sa GMA 7 ang dalawang pulis na nag-i-imbestiga sa kaso at nauna pa ang network na nakaalam na nag-negative sa powder burns sa isinagawang paraffin test si Trina kaysa kay Sen. Supt. Elmo San Diego ng Quezon City Police District.

    Kaya naman sa ABS-CBN ay nagpa-interview si San Diego at sinasabing hindi pa niya natatanggap ang resulta ng paraffin test at hindi pa kumpirmado ang balita.

    Kapansin-pansing ang report ng GMA ay tungkol sa mga butas o irregularities sa mga pangyayari. They even consulted a gun expert to know kung posible nga ba talagang hindi marinig ang putok ng baril mula sa loob ng banyo kung saan natagpuang nakahandusay si Trina.

    They also did a report kung bakit daw nakapasok ang ilang ABS-CBN Executives at si Vice President Noli de Castro sa crime scene, whereas bawal daw ito. Sa crime scene nga ba pumunta sina Vice President o sa hospital?

    Ang ABS-CBN naman ay may special report tungkol sa pagkatao at naging buhay ni Ted bago siya naging broadcaster bukod sa kanilang exclusive interviews sa pamilya ni Trina.

    ***

    Ted Failon, pinag-iinitan nga ba na madiin sa kaso?

    From the looks of it, parang hindi siya tatantanan ng ilan sa pangyayaring ito.

    ***

    Gaano katotoong P20 Million daw na pagkalugi sa isang investment ang problema ni Trina?

    ***

    Let's just all pray for Trina and her bereaved family.
    Source URL: https://mykiru1.blogspot.com/2009/04/ted-failon-wife-dies-ted-still-suspect.html
    Visit nEw MyKiRu IsYuSeRo for Daily Updated Hairstyles Collection

Popular Posts

My Blog List

Blog Archive